DOH, nagbabala sa publiko sa mga kumakalat na e-mail tungkol sa COVID-19 benefit package para sa healthcare workers

28

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga kumakalat na e-mail patungkol sa COVID-19 benefit packages sa mga healthcare workers, gamit ang e-mail address na doh@doh.com

Sa abiso ng DOH, bagamat may existing benefit packages para sa healthcare workers, hindi sila nagpapadala ng individual e-mails ukol dito.


Ang doh@doh.com ay hindi official email address ng kagawaran o ng sinuman sa mga kawani nito.

Paglilinaw ng DOH, na hindi sila nagpapadala ng e-mail sa kahit kanino na humihimok sa mga healthcare at hospital workers na magparehistro para tumanggap ng COVID-19 benefit package.

Panawagan ng DOH sa publiko na isumbong sa kanila ang anumang kahinahinalang impormasyon sa pamamagitan ng KIRA Chatbox na maaaring ma-access sa pamamagitan ng Viber o Messenger.

Facebook Comments