DOLE, blangko sa bilang ng OFWs na maaapektuhan ng temporary deployment ban sa Oman

Aminado ang Labor Department na blangko sila kung gaano karaming Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tatamaan ng pansamantalang suspensyon ng pagpapadala ng Pinoy workers sa Oman.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang alam lamang nila ay 5,000 OFWs ang na-i-deploy sa Oman mula Enero hanggang Mayo ng taong ito.

Una nang sinabi ni Bello na hindi nila babawiin ang deployment ban hanggang hindi inaalis ng Oman ang travel restrictions nito sa Pinoy workers na papasok ng nasabing bansa.


Ito ay bagama’t patuloy naman ang ugnayan sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Pamahalaan ng Oman.

Facebook Comments