Mahigit 9,000 bagong COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

56

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 9,407 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

6,959 naman ang bagong kaso at 153 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,353,220 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 59,439.

Ang kabuuang bilang naman ng recoveries ay 1,270,243.

Habang ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay umaabot na sa 23,538.



Facebook Comments