Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Labor and Employment (DOLE) na agarang maglabas ng patakaran at labor standards na magbibigay proteksyon at titiyak sa kapakanan ng mga delivery riders.
Giit ni Hontiveros, frontliners din ang mga delivery riders na nagpagaan sa ating napakaraming transaksyon sa ilalim ng community quarantine.
Ayon kay Hontiveros, pangunahing dapat itakda ng DOLE ay kung sino ang dapat managot sa mga delivery rider sakaling madisgrasya sila o magkasakit habang ginagampanan ang kanilang trabaho.
Nais din ni Hontiveros na maisama sa guidelines ang pagbibigay sa mga delivery rider ng kaukulang social protection coverage, pagbibigay sa kanila ng libreng personal protective equipment (PPE) at regular na pagsailalim sa kanila sa COVID-19 test, gayundin ang pagtanggap nila ng benepisyo sa ilalim ng batas tulad ng membership sa Social Security System (SSS) at health insurance coverage sa PhilHealth.