General Santos City–Dinomog ng mga raliyesta ang tanggapan ng Department of Labor and Employment –Gensan kahapon ng umaga.
Sigaw nila ang dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa, tuldukan ang ENDO, pagbasura sa Train law at marami pang iba.
Ayon kay DOLE Gensan Head Fatima Bataga, hindi naman nagkaroon ng problema ang ginawang rally ng mga grupo ng manggagawa at progresibong grupo bagkos pagkatapos ng ilang oras na pananatili sa harap ng kanilang tanggapan, tahimik naman silang umalis sa lugar.
Sinabi pa ni Pataga na noong nakaraang linggo, nag request na sila ng PNP personnel sa Gensan City Police office para magbigay ng seguridad sa kanilang tanggapan dahil sa inaasahang pagsagawa ng rally ng mga progresibong grupo.
Samantala mas mahigpit na seguridad naman ang ipapatupad ng PNP sa Gensan bukas kasabay ng Labor day dahil inaasahang muling magsagawa ng rally ang mga raliyesta sa harap ng DOLE at iba pang lugar dito sa Gensan.