Pabor sa Department of Labor and Employment (DOLE) na isama sa exemption ang mga medical technologists mula sa listahan ng overseas Filipino workers (OFWs) na my limited annual deployment.
Sa ngayon, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na wala pa silang natatanggap na anumang request para rito.
Kumpara sa mga doktor at nurses, ang Pilipinas ay maaaring mag-deploy ng mas maraming med techs abroad para pwede nilang samantalahin ang magandang job offers sa ibang bansa.
Mas kailangan ng bansa ngayon ang mga doktor at nurses lalo na at nananatiling kalaban ang COVID-19.
Nabatid na itinakda ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang annual deployment cap na 5,000 para sa mga healthcare workers.
Facebook Comments