One Hospital Command Center, gagawing ‘regionalized’ – DOH

Gagawing “regionalized” ang One Hospital Command Center (OHCC) para mas marami ang matulungang pasyenteng nangangailangan ng agarang medical assistance.

May mga itinatag ng regional hospital command centers sa Central Luzon, CALABARZON, Southern Mindanao, at Caraga.

Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, malaking ‘breakthrough’ ito, lalo na sa interconnectivity sa pagitan ng regional at national institutions.


Napapabilis din ang aksyon lalo na sa mga pangangailangan ng regional hospitals.

Samantala, ang main OHCC ay na matatagpuan sa Philippine International Convention Center (PICC).

Facebook Comments