Pinapahanap na ng Department of Labor and Employment o DOLE sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Pilipinong kasamahan ng Overseas Filipino Worker (OFW) na natagpuang patay sa Kuwait.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello, hindi pa maituturing na case closed ang kaso ng pagpatay kay Constancia Lago Dayag hangga’t patuloy ang isinasagawang autopsy sa labi nito.
Matatandaang nakita ang labi ni Dayag sa bahay ng kaniyang amo na balot ng pasa at may mga sugat sa katawan.
Sabi pa ni Bello, patuloy na inaalam kung bakit umabot ng tatlong araw bago nadala ang labi ni Dayag sa ospital.
Facebook Comments