VP Robredo, suportadong imbestigahan ang banggaan ng Chinese vessel at Filipino fishing boat sa Recto Bank

497

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang panawagang imbestigasyon sa pagbangga ng Chinese fishing vessel sa barkong pangisda ng mga Filipino sa Recto Bank.

Ayon kay Robredo, buo ang kaniyang suporta sa panawagang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Department of National Defense (DND) na imbestigahan ang insidenteng ito at panagutin ang kinauukulan.


Aniya, dapat ring magpakita ang mga Filipino ng tapang at dignidad lalo at kapakanan at kalayaan ng mga mamamayan ang nakasalalay dito.

Matatandaang una nang ipinanawagan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang imbestigasyon sa insidente at ang posibleng paghahain ng diplomatic actions.

Facebook Comments

From Advertisers