DOLE, hinimok ang mga employer na tulungan ang kanilang mga manggagawa magbukas ng bank accounts

Hinihikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na tulungan ang kanilang mga manggagawang magbukas ng bank accounts para mabigyan sila ng access sa financial services.

Sa ilalim ng DOLE Advisory No. 026, hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga employer na gamitin ang transactional accounts para doon ipasok ang sahod ng mga manggagawa at iba pang benepisyo.

Nakasaad sa Labor Code na layunin nito na maibigay ng employer sa mga manggagawa nito ang kanilang sahod sa tamang oras at hindi nade-delay.


Maaaring tulungan ang mga manggagawa na magbukas ng kanilang accounts sa anumang e-money issuer.

Iginiit ni Bello na ito ang ligtas na paraan para sa fund transfer at nagsusulong ng cashless transactions.

Pero nilinaw ng DOLE na required pa rin ang mga employer na sumunod sa kasalukuyang batas kabilang ang pag-iisyu ng pay slips o records ng payment at deduction.

Facebook Comments