DOLE, hinimok ang mga manggagawa na isumbong ang anumang safety at health hazards

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa na isumbong sa kanila ang anumang paglabag sa occupational safety and health standards sa kanilang workplace.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Noel Binag ng Occupational Safety and Health Center ng DOLE, hindi dapat umaasa lamang ang mga manggagawa sa kanilang mga inspectors, safety officers at employer at kailangang magtulungan ang lahat.

Handa nilang bigyan ng kaukulang tulong ang sinumang magsusumbong ng anumang paglabag.


Ang mga manggagawa ay may responsibilidad at tungkuling mag-report sa DOLE sakaling nararamdaman nilang nasa panganib sila.

Ang kanilang regional offices ay handang magkasa ng imbestigasyon sakaling mayroong paglabag sa health standard.

Facebook Comments