DOLE, humihingi ng karagdagang ₱2.5-B para mapondohan ang OFW assistance program

Hihiling ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng ₱2.5 billion bilang dagdag pondo sa Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) cash assistance program.

Ito ay bunsod ng tumataas na bilang ng mga on-site at repatriated Overseas Filipino Workers (OFW) na humihingi ng tulong.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaprubahan nila ang request ng nasa 224,756 OFWs, kung saan 128,348 ay nasa ilalim ng lockdown o stranded sa kanilang mga bansang pinagtatrabahuhan.


Nakapagtala naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng 551,606 aid applications mula sa land-based at sea-based workers na nasa mga host country o nakauwi na ng Pilipinas.

Kumpiyansa si Bello na aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dagdag na pondo para sa AKAP.

Ang DOLE ay nakapamahagi na ng 2.5 billion pesos sa ilalim ng AKAP na hinati sa dalawang tranche.

Facebook Comments