Naisumite na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Budget and Management (DBM) ang hiwalay na funding proposal nito para sa ilang manggagawa na hindi sakop ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.
Kasunod ito ng pagpapatupad ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, P2 bilyong pondo ang hiningi nila sa DBM para sa COVID Adjustment Measures Program (CAMP).
Aniya, P5,000 one-time cash assistance ang target ipamahagi sa 155,000 workers sa Metro Manila, pati na sa mga manggagawa sa ibang rehiyon.
Kumpiyansa naman si Bello na mapagbibigyan ng DBM ang hinihingi nilang pondo.
Facebook Comments