Proklamasyon na lilikha ng IT center sa Cavite, nilagdaan ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na lilikha sa Information Technology Center Special Economic Zone sa Bacoor City, Cavite.

Batay sa Proclamation 1196 na nilagdan ni Pangulong Duterte noong Agosto 5, magtatayo ang pamahalaan ng isang gusali sa Emilio Aguinaldo Highway, Barangay Talaba VII at papangalanan bilang CBC Asia Technozone.

Ito ay mayroong gross floor area na 50,277.76 square meters at land area na 7,000 square meters.


Nilikha ng pangulo ang special economic zone batay na rin sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Ang ecozone ay maaaring naglalaman ng industrial estates, export processing zones, free trade zones, at tourist/recreational centers.

Facebook Comments