Iniimbestigahan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kaso ng isang factory workers sa Valenzuela City matapos pasahurin ng barya-baryang sentimo ng kanyang kumpanya.
Ang factory workers na si Russel Mendoza ay binigyan ng tigsi-singko at tigdi-diyes sentimos para mabuo ang kanyang sahod na nsa 1,056 pesos.
Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kanilang NCR director na si Sarah Buena Mirasol na alamin ang insidente.
Inaasahang magkakaroon ng resolusyon ang kalihim kapag natanggap niya ang report.
Paglilinaw ng DOLE na ang magiging sentro ng kanilang imbestigasyon ay ang reklamo ni Mañosa laban sa kanyang employer at hindi sa paggamit ng mga barya para sa kanyang sahod.
Batid din ng DOLE na ang Valenzuela City Government ay naglunsad din ng sariling imbestigasyon sa isyu.