Pagbabakuna sa mga Pilipino, prayoridad sa huling taon ni Pangulong Duterte

Isa sa magiging prayoridad sa huling taon ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais tiyakin ng pamahalaan na ang lahat ng mga Pilipino ay mabibigyan ng proteksyon laban sa virus.

Tiwala si Roque na makakamit ito lalo na at mas maraming bakuna ang darating sa bansa.


Ang target ng pamahalaan na COVID-19 containment sa Disyembre ay maaabot pa rin.

Bukod sa COVID-19 vaccination, patuloy pa rin ang paglaban ng pamahalaan sa ilegal na droga at korapsyon.

Facebook Comments