Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sisilipin nila ang mga reklamo ng mga riders ng food delivery app na Food Panda.
Matatandaang nagtungo ang Food Panda riders sa head office ng DOLE sa Intramuros, Maynila para ipadala kay Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil sa hindi paborableng working conditions.
Ayon kay DOLE National Capital Region Director Sarah Buena Mirasol, aalamin nila ang kanilang hinaing at makikipag-ugnayan din sa Food Panda hinggil dito.
Sa state1ment, ang mga lider ng Food Panda Riders Association at Kapatira sa Dalawang Gulong (KAGULONG) ay nakiusap sa DOLE na magsagawa ng inspeksyon at dayalogo.
Hindi sila sang-ayon sa mga ipinatupad na pagbabago sa polisya ng Food Panda.
Sa ilalim ng polisya na tinatawag na ‘undispatch’ ay napipilitan ang mga rider na magmadali para i-pick up agad ang order na mag-aalangan sa kanilang kaligtasan.