DOLE, inilabas na ang resolusyon sa pag-papairal ng total deployment ban sa Kuwait

Inilabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang resolusyon kaugnay sa pagpapairal ng total deployment ban sa Kuwait.

Batay sa 3 pahinang resolusyon ng POEA Governing Board, paiiralin ang total ban sa pag-proseso at deployment ng domestic workers o household service workers, semi-skilled workers, skilled workers at professionals kasama na ang pagpapalit ng mga Pinoy Seafarees sa Kuwait.

Hindi naman kasama sa ban ang mga skilled workers at professionals na nasa kategorya ng balik manggagawa batay na rin sa rekumendasyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III.


Nakasaad pa sa resolusyon na ang desisyon para sa total deployment ban ay batay sa NBI autopsy report kung saan sinasabing nakaranas rin ng pang aabusong sekswal at brutal ang pagpaslang kay Jeanelyn Villavende.

Taliwas ito sa kulang kulang na autopsy report umano ng Ministry of Health ng Kuwait.

Facebook Comments