DOLE, ipapaalam kay Pangulong Duterte ang sagot ng UK sa vaccine request

Ipagbibigay-alam ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na linggo kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa naging tugon ng United Kingdom (UK) sa kanilang hiling na vaccine doses para sa Pilipinong nurses na posibleng ipadala sa ibang bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hawak na niya ang sulat mula kay UK Ambassador to the Philippines Daniel Purce.

Hindi muna niya pwede isapubliko ang nilalaman ng sulat dahil kailangan muna niyang ipaalam ito sa Pangulo sa Lunes, March 01, 2021.


Pero sinabi ni Bello na “positive” at “favorable” ang sagot ni Ambassador Purce.

Iginiit din ni Bello na ginawa niya proposal ang deployment ng Filipino nurses sa UK ay dahil para mabakunahan ang mga nurse ng COVID-19 vaccines bago sila umalis sa bansa.

Ito lamang aniya ang paraan para matiyak ang kaligtasan ng Filipino healthcare workers sa harap ng pandemya.

Facebook Comments