DOLE, kinansela ang pagpirma sa kasunduan nito sa ECOP

Manila, Philippines – Kinansela ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paglalagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sa Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP), na magreresulta sana sa regularization ng halos 220,000 employees.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – hindi na itutuloy ang paglalagda sa MOU.

Katwiran ng kalihim, may ilang labor groups ang nagbabantang kasuhan siya dahil sa pakikipag-partner sa ECOP.


Aniya, inaakusahan siya ng korapsyon gayung tinutulungan niyang ma-regular sa trabaho ang nasa daan-daang libong manggagawa.

Pero nilinaw ni Bello na maari pa ring mangyari sa hinaharap ang MOU signing.

Samantala, wala namang pagkwestyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa nasabing kasunduan.

Facebook Comments