DOLE, kumpiyansang maraming Pinoy pa ang magkakaroon ng trabaho

Manila, Philippines – Gagawing prayoridad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng trabaho sa mga manggagawang apektado ng rehabilitasyon ng Hanjin Heavy Industries.

Pagtitiyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III – ililipat ang mga Hanjin workers sa iba’t-ibang construction firms sa bansa.

Umapela ang kalihim na pagkatiwalaan ang ahensya at tutulungan silang mabigyan ng bagong trabaho.


Aniya, in-demand sa bansa ang mga highly skilled workers at kanilang expertise.

Makikipagpulong si Bello sa iba pang cabinet secretaries para talakayin ang mga posibleng employment opportunities na maaaring i-alok sa displaced workers.

Facebook Comments