DOLE, magdaragdag ng tauhan para tutukan ang umiiral na Labor Law Compliance System

Manila, Philippines – Magdaragdag ng mga tauhan ang Department of Labor and Employment para tutukan ang umiiral na Labor Law Compliance System (LLCS) sa bansa.

Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ay bahagi ng kanilang hakbang upang matiyak na nasa maayos na kalagayan ang mga manggagawa ng mga kumpaniya at establisyemento.

Ayon kay Bello, nasa 36 na Senior Labor and Employment Officer (SLEO) ang kanilang kakailanganin para sa LLCS, na magiging karagdagan sa kasalukuyang 574 Labor Law Compliance Officer na nakakalat ngayon sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Dagdag pa ng kalihim, ang karagdagang mga tauhan na ito ay itatalaga sa mga rehiyon kung saan mataas ang kaso ng hindi pagsunod sa labor laws and standards.

Facebook Comments