Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng cash assistance sa mga natitirang benepisyaryo ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) sa susunod na linggo.
Sa online forum, sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, nais nilang mabigyan ng ayuda ang higit sa kalahati ng 1.4 million beneficiaries ng CAMP.
Mahalagang matanggap nila ng mga benepisyaryo ang cash aid ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Mula nitong December 3, nagawa na ng DOLE na makapagpalabas ng ayuda para sa 350,000 na manggagawa sa formal sector.
Sa ilalim ng CAMP, bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng one-time cash subsidy na nagkakahalaga ng ₱5,000.
Kaugnay nito, higit 500,000 informal sector workers ang makikinabang naman sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
Dagdag pa ni Tutay, nakapagpalabas na sila ng nasa ₱3 million sa regional offices habang additional subsidy ng ₱2 billion hanggang ₱3 billion para sa TUPAD program.
Ang deadline para sa payouts ay itinakda sa December 19, habang target na ilabas ng kagawaran ang pondo sa regional offices hanggang December 10.
Ang Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 ay nakatakdang mapaso sa December 19 kung saan ₱7.4 billion ang inilaan sa CAMP.