DOLE, magpapalabas ng pondo para sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang taal

 

Magpapalabas na rin ang Department of Labor and Employment o DOLE ng 72.3-million pesos na pondo bilang tulong-pinansiyal sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

 

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang naturang financial assistance ay gagamitin para sa emergency employment para sa mga taga batangas na apektado ng taal volcano eruption.

 

Ayon kay Labor Undersectaray Renato Ebarle, head ng employment cluster ng DOLE, ipapatupad ang naturang emergency employment sa ilalim ng government internship program ng DOLE kung saan kukunin ng mga local government units ang serbisyo ng mga apektadong residente para sa rehabilitasyon ng siyam na Munisipalidad sa Batangas.


 

Samantala, nag anunsyo ang Bureau of Immigration na hindi na papatawan ng overstaying fees ang mga dayuhan na naapektuhan ng pansasamantalang pagsasara ng NAIA matapos ang ashfall sa pagsabog ng bulkang Taal.

Facebook Comments