DOLE makikipag-ugnayan pa rin sa Japan matapos na itigil ang paghahanap sa mga nawawalang Pinoy seafarers

Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Japan para hanapin ang 36 pang nawawalang Pinoy crew nang lumubog na cargo ship sa East China Sea.

Ito ay sa kabila ng pagtigil ng Japan sa kanilang full-time search operations matapos na walang makitang trace ng barko simula nang ilunsad ang paghahanap noong ika-5 ng Septyembre.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, tuloy pa rin ang ginagawang search and retrieval operations sa mga nawawalang seafarers.


Nakiusap na rin ang DOLE sa Japanese Authorities na huwag itigil ang kanilang operasyon.

Sa ngayon, inatasan na ng DOLE ang kompanya ng mga seafarers na huwag itigil ang paghahanap dahil papanagutin sila ng pamahalaan kung sakali.

Facebook Comments