DOLE, may alok na overseas at local job opportunities kasabay ng kanilang anibersaryo

Mahigit 21, 000 overseas at local job opportunities ang iniaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa online job fair na magsisimula ngayong linggo.

Ang Balik-trabaho-e-jobs at online job fair ay isinulong ng Bureau of Local Employment (BLE)at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pakikipag-ugnayan sa mga ahensya kasabay ng ika-87th anibersaryo ng DOLE sa Martes, Disyembre 8.

Ayon kay Labor Secertary Silvestre Bello III, isasagawa ang virtual job fair system bilang pagtugon sa paghihigpit ng gobyerno kaugnay sa mass gatherings.


Ang e-jobs para sa local placement ay isasagawa sa pakikipagtulungan sa digital portal na Mynimo.com at Public Employment Service Offices (PESO) sa buong mundo.

Karamihan sa bakanteng trabaho para sa overseas ay factory workers, nurses, nursing aides, care workers engineers, Computer-Aided Design (CAD) operators, telecommunications, carpenters, foreman, laborers at building cleaning workers.

Ang mga bansa na nangangailangan ng mga mangaggawa ay ang Singapore, Taiwan, Japan, Germany, New Zealand, Kingdom of Saudi Arabia, Qatar, Myanmar, Jordan, Ivory Coast, Lebanon, Ghana, Micronesia, Turks, at Caicos, Palau.

Umaasa naman ang POEA na madadagdagan pa ang mga vacancies bago ang online job fair sa December 10.

Pinayuhan naman ang mga jobseekers na maghanda ng digital copies ng kanilang resume o curriculum vitae at iba pang application requirements, tulad ng certrificate of employment, diploma at transcript of records.

Para maka-access sa job fair sa Disyembre 10 at 11, bumisita lamang ang mga aplikante sa website ng POEA.

Facebook Comments