Sakaling lumala ang sitwasyon sa Hong Kong at maraming Pilipino ang maapektuhan ang hanapbuhay, plano ng Labor Department na ilipat ang OFWs sa Macau at Mainland China.
Sa harap ito ng hindi pa rin natatapos na kaguluhan sa Hong Kong.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nangangahulugan ito na hindi sila magpapatupad ng deployment ban at forced evacuation ng mga Pinoy sa Hong Kong.
Nilinaw rin ni Bello na batay sa report ng labor attache ng Pilipinas sa Hong Kong, wala pa namang Pinoy ang nadadamay sa kaguluhan.
Maging ang ang Department of Foreign Affairs aniya ay wala rin namang sinasabi sa kanila na delikado na ang seguridad ng OFWs sa Hong Kong.
Facebook Comments