DOLE, may kaloob ng financial assistance sa mga OFW na umuwi galing ng Wuhan, China

Pinagkalooban ng Department of Labor & Employment (DOLE) ng financial assistance ang mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFW) na umuwi kahapon mula Wuhan, China.

Sa laging handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na P20,000 ang ibinigay sa mga umuwing OFWs.

Sinabi pa ni Bello na kung nais namang pumasok sa negosyo ng mga nagsiuwing OFWs ay maaari silang pautangin ng pamahalaan kung saan mababa ang interest rate.


Samantala, nagkaloob din ng P10,00 financial assistance ang DOLE sa nasa 3,500 OFWs na hindi makabalik sa kani-kanilang trabaho sa Hong Kong, Macau at China dahil sa umiiral na travel ban.

Pinalawig din aniya ng mga employers ng mga OFWs sa Hong Kong at Macau ang kanilang bakasyon ng 2 linggo dahil sa kaso ng nCoV.

Pero saka-sakali aniyang hindi na lumala pa ang nasabing sakit ay baka irekumenda na ang lifting ng travel ban.

Kasunod nito tiniyak ni Bello na wala ni-isang OFW ang mawawalan ng trabaho dahil sa nCoV dahil maliban sa ito’y tinutugunan ng pamahalaan ay very considerate naman aniya ang mga employers ng ating mga OFWs.

Facebook Comments