DOLE, may payo sa mga jobless Pinoy ngayong pandemya

Nagbigay ng payo ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Pilipinong walang trabaho sa harap ng pagtaas ng unemployment rate sa bansa.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay, maraming local at overseas workers ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Nakakalungkot aniya dahil sa pamahalaan lamang sila umaasa para sa mga job referrals.


Bagamat handa ang pamahalaan na tulungan sila, pero sinabi rin ni Tutay sa mga jobless Pinoys na tulungan din nila ang kanilang mga sarili.

Aniya, nag-e-evolve ang labor market kaya mahalagang paghusayin din nila ang iba nilang skills.

Ang magpaparoon ng inisyatibo ang susi para hindi mapag-iwanan ang mga Pilipino sa nagbabagong labor market.

Facebook Comments