DOLE: Mga manggagawa, ituring na kayamanan ng mga employer

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kompanya na pahalagahan ang kanilang mga empleyado.

Ito ang mensahe ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa Labor Day ngayong unang araw ng Mayo.

Tinawag ng kalihim na tunay na kayamanan ng employers ang mga manggagawa at nararapat lamang silang bigyan ng maayos at tamang benepisyo.


Kasunod nito, nagpasalamat ang kagawaran sa mga kompanyang maayos ang pagseserbisyo at pagtrato sa kanilang mga empleyado.

Tiniyak naman ng pamahalaan na gumagawa sila ng hakbang para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Una nang sinabi ng DOLE na walang aasahang taas sahod ngayong Labor Day dahil naibigay na ang mga wage hike sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula noong nakaraang taon.

Samantala, libu-libong jobseekers naman ang nakiisa sa mga Labor Day Job Fair sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments