Maximum tolerance, ipapatupad ng PNP kasabay ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ngayong Araw ng Paggawa

Kasabay ng kaliwa’t kanang kilos-protesta ngayong Araw ng Paggawa, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ipatutupad nila ang maximum tolerance sa lahat ng mga nagkikilos-protesta.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, kabuuang 53,164 ang ipinakalat nilang tauhan para tiyakin ang seguridad at kaayusan ngayong Labor Day.

Ani Fajardo, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon kasabay nang pagtitiyak na wala silang namo-monitor na seryosong banta sa seguridad.


Aniya, hahayaan lamang nila na maghayag ng saloobin ang mga militante bilang bahagi ng demokratikong proseso basta’t kinakailangan lamang na sumunod ang mga ito sa batas.

Subalit, nagbabala ang PNP na hindi sila magdadalawang isip na arestuhin ang sinumang magpapasimuno ng kaguluhan.

Facebook Comments