DOLE, muling hinikayat ang job seekers na samantalahin ang alok na online job fair ng ahensya bukas

34

Muling hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Pilipino na samantalahin ang online job fair ng ahensya bilang bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day bukas, June 12.

Ayon kay DOLE Asec. Dominique Rubia-Tutay, mahigit 55,000 job vacancies ang alok ng 561 participating employers.


Base sa job displacement monitoring report ng DOLE, nasa 119,000 manggagawa ang tuluyang nawalan ng trabaho dahil sa retrenchment o tuluyang pagsasara ng mga kompanya.

Nabatid na nasa 6,606 establisyimento na ang nagsara mula Enero hanggang Mayo 2021.

Samantala, natapos na ang DOLE ang pamamahagi ng ayuda sa mga formal workers habang tinatapos na lamang ang pagkakaloob ng cash aid sa tourism sector.

Facebook Comments