2019 Performance-Based Bonus ng mga guro at school personnel sa Region 4-A, matatanggap na ngayong Hunyo

68

Matatanggap na ngayong Hunyo ng mga teaching at non-teaching school based personnel sa Calabarzon ang kanilang 2019 Performance-Based Bonus.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Region 4-A Regional Director Francis Cesar Bringas, nag-isyu na ng Special Allotment Release Order (SARO) ang Department of Bugdet and Management (DBM) na nagkakahalaga ng P1.3 billion.


Makikinabang dito ang nasa 108, 300 school personnel mula sa limang lalawigan at 16 na siyudad sa Calabarzon.

Sisikapin naman ng Regional Finance Division na maipamigay ito sa mga guro mula June 14 hanggang June 30.

Facebook Comments