DOLE, muling hinimok ang mga negosyo na magpatupad ng staggered work shifts

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang business establishments na magpatupad ng multiple at staggered work shifts para mas maraming empleyado ang makapag-report sa kanilang trabaho.

Ito ang pahayag ng DOLE kasabay ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mas magiging aktibo ang komersyo at kalakalan dahil mas maraming Pilipino na ang nakakapasok sa trabaho.


Sa pamamagitan ng hakbang na ito, maiiwasan ang pagsisikip ng trapiko at gagaan ang demand sa pampublikong transportasyon.

Sa bagong polisiya, ang mga manggagawa ay hindi kailangan sabay-sabay ang pasok sa kanilang trabaho.

Gayumpaman, nilinaw ng DOLE na ang work-from-home at iba pang flexible workplace ay inirerekomenda pa rin ng ahensya.

Facebook Comments