DOLE, muling pag-aaralan ang panuntunan sa deployment ng mga household service workers sa Saudi Arabia

Muling pag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panuntunan para sa deployment ng mga household service workers sa Saudi Arabia.

Kasunod ito ng na-black-list na employer sa Saudi Arabia dahil sa umano’y paggamit ng pekeng address at pangalan upang makakuha ng domestic workers.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inabuso ng employer na ito ang walong Pilipino at hindi pa binigyan ng maayos na sahod.


Layon ng plano na mapigilan ang ganitong gawain at maprotektahan ang lahat ng mga manggagawang Pilipino.

Apektado sa kautusang ito ang mga mangagagawa na magtutungo ngayon sa Saudi Arabia.

Ang Saudi Arabia ang pinaka-pinipiling destinasyon ng mga OFWs kung saan lumabas sa datos noong 2019 na isa sa limang Pilipino ang nais magtungo sa lugar.

Facebook Comments