Isinapormal na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paninindigan nito laban sa mga kumpanyang nagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy.
Sa Labor Advisory No. 03, series of 2021 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello, nakasaad na hindi pwedeng makaranas ng anumang diskriminasyon ang sinumang manggagawang tatangging magpabakuna.
Hindi maaaring ipagkait sa mga empleyado ang security of tenure, promotion, training, sahod, at iba pang benepisyo.
Iginiit ni Bello na ilegal ang “no vaccine, no work policy” at maituturing itong diskriminasyon.
Pero pwedeng hikayatin ng mga employer ang kanilang manggagawa na magpabakuna.
Maaari ring bumili ng COVID-19 vaccine, supplies at iba pang serbisyo ang employer.
Inatasan na ng DOLE ang mga regional offices nito na ipatupad ang guidelines at tiyaking nasusunod ito ng mga establisyimento at mga kumpanya.