Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa tamang pasahod sa kanilang manggagawa na papasok sa mga deklaradong holiday ngayong Pebrero.
Sa pinalabas na Labor Advisory 2, Series of 2021, ang mga mangaggawa na papasok sa Chinese New Year sa February 12 at EDSA People Power Anniversary sa February 25 na deklaradong special non-working holiday.
Kaya ang mga manggagawang magtatrabaho sa nabanggit na araw ay kinakailangang bayaran ng dagdag 30% sa unang walong oras ng trabaho.
Habang ang trabaho namang sumobra sa walong oras, o overtime ay dapat bayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate sa nasabing araw.
At kung nagtrabaho naman ang manggagawa sa kanyang day-off, dapat ay bayaran siya ng karagdagang 50 percent sa kada oras ng kanyang trabaho.
Maaari naman umiral ang prinsipyong “no work, no pay” kapag hindi pumasok sa trabaho ang isang manggagawa, depende sa polisiya ng kumpanya o sa napagkasunduan nilang collective bargaining agreement.