DOLE, nagpaliwanag kaugnay ng kalituhan sa temporary suspension ng deployment sa Saudi Arabia

Nagpaliwanag si Department of Labor (DOLE) Sec. Silvestre Bello III sa daan-daang Overseas Filipino Workers (OFW) na na-offload sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon matapos hindi pasakayin sa kanilang flight patungong Kingdom of Saudi Arabia.

Ayon pa kay Bello, ito ay bunga ng pansamantalang pagpapaliban sa deployment ng mga OFW doon.

Nilinaw naman ni Bello na hindi deployment ban ang pinaiiral ng Saudi Arabian government.


Sinabi ng kalihim na hindi naman nya kinukuwestyon ang naturang polisya dahil prebilehiyo ito ng Saudi Arabia, subalit ang problema aniya ay kung sino talaga ang magbabayad sa $3,500 na gastos sa sampung araw na quarantine period.

Sa ngayon, wala pang natatanggap ang DOLE na written order mula sa KSA kaya nanganganib aniya na ang OFWs pa rin ang magbayad ng gastos sa quarantine pagdating sa Saudi Arabia.

Facebook Comments