DOLE, nais i-exempt ang UK sa deployment cap ng nurses

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinag-aaralan na nilang i-exempt ang United Kingdom sa local deployment cap ng Pinoy nurses.

Ang cap ay ang limitasyon ng pamahalaan sa pagpapadala ng Filipino nurses sa ibang bansa kung saan aabot lamang sa 5,000 nurses kada taon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, wala pa siyang tiyak sa magiging tugon ng UK government sa kanyang request kapalit ng pagpapabakuna ng Filipino nurses na ipadadala sa kanilang bansa.


Iprinisenta na ni Bello ang kanyang proposal sa Technical Working Group (TWG) ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Nasa IATF na ang bola kung ano ang magiging rekomendasyon nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments