Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na handa ang kanilang ahensya pagdating sa mga programa o tulong na maaring ibigay nito sa mga Pinoy na inaasahang babalik ng bansa matapos ang giyera sa Israel.
Ayon kay Laguesma, bagama’t Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nakatutok sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng bansa mula Israel, nakahanda pa rin ang DOLE sakaling kailanganin ang kanilang tulong.
Aniya, handa ang kanilang reintigration program, mga livelihood programs at maging facilitation ng mga trabaho sakaling kailanganin ng suporta ng ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa pinakahuling tala naman ng DOLE, may 600,000 na bakanteng trabaho sa bansa na maaring applayan ng mga repatriated OFWs mula Israel.