9 pamilyang Pilipino sa Jordan, nagpatala na para sa repatriation

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Jordan na siyam na pamilyang Pilipino na ang nakipag-ugnayan sa kanila para sa repatriation.

Sa harap ito ng matinding bakbakan sa Gaza Strip sa pagitan ng Israel at Hamas militant group ng Palestine.

Ayon sa embahada, 38 sa mga nagpatala para sa repatriation ay Filipino nationals habang 11 ang Palestinian spouses o mga Palestinong asawa ng mga Pinoy.


17 din sa 38 Filipino nationals ang mga menor de edad at nasa edad 2 hanggang 15.

Patuloy namang pinag-iingat ng Philippine Embassy ang mga Pilipinong malapit sa Gaza Strip.

Facebook Comments