DOLE, nakapamahagi na ng P6.3 billion na financial assitance sa formal sector workers at OFWs

Umabot na sa ₱6.3 billion na halaga ng cash aid ang nailabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga manggagawang apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa datos ng DOLE, higit 1.1 million na manggagawa ang natulungan sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP) para sa mga OFWs.

Ayon kay DOLE Information and Publication Service Director Rolly Francia, nasa ₱5.2 billion ang naipamahagi sa higit isang milyong formal sector workers sa ilalim ng CAMP.


Aabot naman sa 118,416 displaced OFWs ang natulungan ng AKAP na nagkakahalaga ng ₱1.191 billion.

Nasa ₱5.183 billlion ang na-disburse sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program.

Facebook Comments