Pag-aalangan ng mga tao sa bakuna, malaking hamon sa pamahalaan – Dizon

32

Aminado si Testing Czar Vince Dizon na malaking hamon na maresolba ang pag-aalangan ng mga Pilipino sa bakuna.

Ayon kay Dizon, marami pa ring Pilipino ang may alinlangan sa COVID-19 vaccination.


Ang hamon aniya ay maitaas ang tiwala ng mga tao sa bakuna.

Kasabay ng pagdating ng COVID-19 vaccine supply sa bansa ngayong buwan, umaasa si Dizon na mawawakasan ng bansa ang pandemya.

Ang mga ospital sa Metro Manila ay kabilang sa mga unang makakatanggap ng 117,000 doses ng COVID vaccines.

Facebook Comments