DOLE, nakatanggap ng halos 300 reklamo kaugnay sa mga minaltratong kasambahay

Umabot sa 285 na reklamo ang natanggap ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa mga kasambahay na nakaranas ng pangmamaltrato mula sa kanilang employer.

Ayon sa DOLE, ang mga datos na ito ay natanggap nila sa pamamagitan ng kanilang hotline simula noong 2022 hanggang June 2023.

Kabilang dito ang mga sumbong ng mga kasambahay na minamaltrato, at hindi pagbabayad ng mga benepisyo ng mga employer.


Nakatanggap din ang DOLE ng mga katanungan hinggil sa ilang probisyon sa Kasambahay Law.

Dahil dito, hinihikayat ng DOLE hindi lamang ang mga kasambahay, kundi ang lahat ng manggagawa na tumawag sa kanilang hotline anumang oras.

Facebook Comments