DOLE, nananawagan sa mga undocumented OFW na huwag ng palampasin ang extension ng amestiyang ipinagkaloob ng Saudi Arabia

Saudi Arabia – Nananawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga undocumented OFWs sa Saudi Arabia na samantalahin ang ibinigay na extension ng Saudi sa iniaalok nitong amestiya.

Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, mula sa dating June 30, inextend na hanggang July 24 ang iniaalok na amnestiya, kung saan malayang makakauwi ang mga foreign nationals na hindi dokumentado ang pagtatrabaho sa Saudi, mga inabanduna o tumakas sa kanilang employer, at maging ang mga overstaying.

Nagpadala na aniya sila ng augmentation team na aalalay sa mga OFW na magnanais gamitin ang amestiya, kaya’t mas mapapadali ang pagpoproseso nila ng kanilang mga papeles.


Matatandaang Marso ngayong 2017, nang ianunsyo ng Saudi Arabia ang ipinagkakaloob nilang amnestiya para sa isinusulong nilang programa na kung tawagin ay, “A Nation Without Violators.”

Sa kasalukuyan ayon kay Say, mula nang iextend ng Saudi ang palugit sa inalok na amenstiya, nasa 600 OFWs na ang nakabalik sa bansa, habang nasa 400 naman ang tinutulungan ng DOLE ngayon sa papoproseso ng kanilang mga papeles para makauwi na sa bansa.

 

Facebook Comments