DOLE, nangangailangan ng halos 1,000 labor inspectors

Naghahanap ngayon ng nasa 500 hanggang 1,000 bagong labor inspector ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kulang sila ng mga labor inspector para mag-inspeksyon sa mahigit 900,000 establisyimento sa bansa.

Nilinaw naman ni Bello na ang paghahanap nila ng bagong mga labor inspectors ay walang kaugnayan sa pagdami ng foreign workers sa bansa gaya ng mga Chinese national.


Tiniyak rin ni Bello na walang dayuhan ang mabibigyan ng alien employment permit lalo na kung ang trabaho na gusto nilang dalhin sa bansa ay kayang gawin ng Pilipino.

Facebook Comments