Nanindigan ang Department of Labor and Employment na ilegal ang pagpapatupad ng “no vaccine, no work” policy.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na unang-una ay wala itong legal na batayan dahil hindi pwedeng ipilit sa isang indibidwal na magpakuna.
Ikalawa, kulang pa ang suplay ng bakuna na natatanggap ng bansa.
Kaugnay nito, magkakasa ng imbestigasyon ang DOLE sa mga kompanyang nagpapatupad ng ganitong polisiya.
Hindi rin aniya tama na tanggalin o i-discriminate pagdating sa usapin ng tenure, promotion, training at pagbibigay ng nararapat na benepisyo ang kanilang empleyado na hindi pa nababakunahan.
Facebook Comments