DOLE, nilinaw na kasama ang mga contractual at empleyado ng agencies sa dapat binigyan ng hazard pay noong umiiral ang ECQ

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kasama ang mga empleyado ng manning agencies at contractual workers sa gobyerno sa bibigyan ng hazard pay noong umiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ay matapos na ipinababalik ng LSERV na isang private manning agency ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa kanilang empleyado ang ₱54 million halaga ng hazard pay na kanilang nailabas noong nakaraang taon.

Ayon sa LSERV, kukunin nila ito sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng pagkaltas sa kanilang mga sweldo.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat alam na ng agencies na sakop sila ng pagbibigay ng hazard pay sa mga empleyado lalo na’t nagtatrabaho pa rin ang mga ito bilang frontliners.

Facebook Comments