DOLE, nilinaw na wala pang utos na Mandatory Repatriation para sa mga Pinoy sa Hong Kong

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pa nito ipinag-uutos ang Mandatory Repatriation o Deployment Ban para sa mga OFW sa Hong Kong.

Sa gitna ito ng tumitinding tensyon at mga protesta sa nasabing bansa.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hindi pa naman nagtataas ng alerto ang Department of Foreign Affairs na kailangan bago magpatupad ng Mandatory Repatriation.


Ang pahayag ng DOLE ay kasunod na rin ng pagkalat ng mga maling impormasyon sa social media.

Kaugnay nito, hinikayat ng kalihim ang publiko na huwag pansinin ang mga fake news sa halip ay magbatay sa mga balitang inilalabas ng ahensya at ng konsulada ng Pilipinas.

Facebook Comments