DOLE, pabor na ibaba na ang quarantine classification sa NCR Plus.

Mas gaganda ang ekonomiya ng bansa kung ilalagay na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus pagdating ng June 1, 2021.

Ito ang binigyang-diin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III kasabay ng inaasahang pagtatapos ngayong araw ng restricted General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Giit ni Bello, mas gaganda kung maging MGCQ na para gagalaw na ang ekonomiya, lumago ang mga negosyo at employment sa bansa.


Una nang napagkasunduan ng Metro Manila mayors na irekomenda sa Inter-Agency Task Force na panatilihin sa GCQ ang NCR Plus pero paluluwagin ang mga umiiral na restriction para sa pagbubukas ng mga negosyo.

Mamayang gabi ay nakatakdang magpulong ang IATF upang pag-usapan ang magiging quarantine classification sa Hunyo.

Facebook Comments